Tapos sabi ko kay owa, parang nasasanay na ko sa ambiance ng wake. Ang panget noh? It creeps me out na nasasanay na ko. 5 days ba naman ako sa wake ng Tito ko. Hay. Alam niyo yung malamig tapos may mga flowers sa paligid. Maraming chairs, minsan puno minsan hindi. Relatives.. Tapos yung feeling na hindi ka pa rin makapaniwala na wala na yung tao na mauuwi ka sa kaka-reminisce.
Hay Ewan. Bat ganon? Ang daming nawawala. :(
Si Tito Nonoy. Si Tito Evan. Si Tara and now Tin Real.
I'm not really close with Tara and Tin, kahit kay Tito Evan but I know them and I know what it feels to lose someone dear to you.
Kapag nawala yung tao, sasabihin natin:
Mas mabuti na yun kasi nasa heaven na sila, kasama na sila ni God.
Pero minsan, naiisip ko "Ganon na lang ba yun?" Ang sama no. Pero kasi parang minsan hindi na nag-mmake sense yan eh.
Tapos minsan naiisip ko din na Ang selfish nila na nangiiwan sa mga taong nagmamahal sa kanila, na kailangan nilang paiyakin yung mga taong mahal nila pero kung hindi naman natin sila hahayaang umalis sila naman yung magsusuffer, tayo naman yung magiging selfish.
So either way, someone's got to give.
***
Ang problema kapag namamatayan ka, hindi titigil yung mundo para sa kakaiyak at kalungkutan mo pero nandiyan naman ang mga tao sa paligid mo para damayan ka at tulungan ka magpatuloy.
***
R.I.P.
Christine Joyce Real
Yung naaalala ko sa kanya, yung nasa stage siya kasama yung physique club tapos nag-eexercise sila.. na punong puno ng energy. :)
Christine Joyce Real
Yung naaalala ko sa kanya, yung nasa stage siya kasama yung physique club tapos nag-eexercise sila.. na punong puno ng energy. :)
No comments:
Post a Comment