Tuesday, June 16, 2009

First and Last Day.

It was my first day as a second year psych student today. :)

Siyempre, excited ako sa araw na 'to. Ang weird kasi ngayon lang ata ako na-excite ng ganito pumasok ng school dahil siguro pag first day sa college wala talaga usually ginagawa. :)) Tsaka HELLO miss ko na blockmates ko! :D

So yeah, first day. 10am pasok ko, gising na ko mga 6:45 and the usual pag umaga. :) Mga 7:45 pwede na ko umalis ng bahay kaso hindi pa. Mga 8 pa ko umalis ng bahay! Ayan tuloy 30 mins ako naghintay sa bus! TSK. Ang hirap nga pala sumakay ng mga ganong oras! :))) Tomorrow, aagahan ko na! 11 naman kami bukas. :D :D

So ayun, first subject is Christian Ethics nakwento ko na yung part na yan sa last post ko. Grabe! nakakamiss talaga mga classmates ko! Nakakamiss yung ingay kahit na ang ingay nanaman kanina! :))

After Christian Ethics, English time naman. :) So yeah, wala kaming prof. Before we realize na free cut pala, nag-loiter muna kami nung mga kasama ko at tiningnan ang bagong C.R. sa 2nd floor na maala-trinoma ang dating! Oh dba! wala ng mga vandal sa C.R. Nakakatuwa pa naman yun! :))) At siyempre, nang-ispot kami.. Si 23. :p Ahaha. :)) Nagpagupit! Okay lang! pero okay din yung dati na hair eh! :p

Grabe, mahahalata mong first year pag walang i.d. Second year na kami! :)) Wahahaha. Tas yung mga guys, tinatanggal yung i.d. nila para magmukha silang first year. Weh! :))

Nag-car park din kami. Kumain ng kaunti. :p
Grabe, kawawa yung mga first year na first day ngayon. Naranasan nila kung pano umulan sa ust at yung iba pa nga kung pano mabasa. Hindi siguro nag-dala ng payong. :)) Kung mag-aaral ka sa UST, ang PAYONG ay isa sa mga necessities na kakailanganin mo. Ituring mo na din itong isang textbook na kailangan sa bawat subject. ;p

Last period was Educ Psych. Sir Edgy! :)
Sir Edgy was so prepared. May dala pa siyang laptop and projector for the orientation at tinapos din niya ang whooole period. Bakit don pa?

Pupunta kasi akong Holy after kasama sila Cha. :)) Eh ayun, vibrate ng vibrate yung teleps ko during Educ pysch, nasa harap pa man din ako! Medyo napatakbo pa tuloy ako kasi naman sabi Tatawid na daw sila! Tss. Di pa pala :))

So ayun, nag-cab kami, Si Elka nagbayad. Ah yeah, kasama namin si Elka. :))


Tapos ayun, dumating na kaming Holy. Grabe, jingle na jingle na kami ni Arnie! :)) Aleew! kasi nandon din pala si Kor kasi kinuha din niya yearbook niya! Wala lang, di kami nag-usap na magkikita kami pero nagkita kami! :)

Tapos kinuha na namin yung yearbook. It was DISSAPOINTING. Seriously. Di maganda. Sorry naman kung inakala kong maganda 'to. Yung iba din naman siguro akala ganon kasi matagal tagal din to hindi na-release pero ohwell kulang sa budget eh.

Nakakamiss si Mrs. Ben! I miss Pamy!


After, I saw friends. Say Hi. Hugged them. Say Bye. Missed them even more. :| :)

Pero ano, Ang weird pag bumabalik sa Holy. Ang weird ng feeling. :p Minsan din Awkward. :p Weird noh? Ito na
siguro ang last time na babalik ako ng Holy. :p Ahahaha.

Bye Holy! Salamat sa lahat!

No comments: