I saw this article in the yahoo groups for the eraserheads. ang ganda ng article na toh.
grabehh.. gusto ko talaga sila bumalik..
maganda yung article. try to read it
LIGAYA
Cutterpillow Album Launch, 1995
Third year high school pa lang ako nu'ng ni-release
ang "Cutterpillow." Sa unang pagkakataon ay nakatungtong ako sa UP
Diliman. Kabado akong pumayag na sumama sa mga kaklase pero atat
akong sumakay sa bus na tayuan. Sa kahabaan ng Quezon Avenue pilit
kong kinumbinsi ang sarili na tama ang desisyon ko, "may libre namang
album kasama ang tiket e." Masaya naman e, bahala na ang sermon.
Matapos ang dalawang oras na biyahe ay nasa Philcoa na kami.
Maraming tao, mahaba ang pila sa sakayan ng jeep. Naglakad kami
papuntang Sunken Garden, at doon tuluyan na akong na-in love sa
musika ng Eraserheads. Kasabay nito, lutang akong nahumaling sa ganda
ng UP at namangha sa ambiance at kultura.
Maraming taon na rin akong nasa UP. Ilang taon din naging
inspirasyon ang panulat ni Ely Buendia para sa'kin. Ilang kanta rin
ng E'heads ang naging tagapagkwento ng mga eksena sa buhay ko,
tagapaglahad ng mga damdamin. Hindi ako pantas sa musika pero alam ko
na tulad ko, marami sa henerasyon ko nag nakahanap ng solace sa
lyrics at tunog ng kanta ng E'heads. Ika nga ng artist, "[Ang mga
kanta nila ay] soundtrack ng buhay ko."
Bagamat walang extraordinary sa mga ito, ang mga kanta nila
ay nagsilbing ugnayan -ng mga taong uhaw sa kung anuman ang
makapagbibigay ng buod ng mga concerns nila, ng ubod ng ng existence
nila. Ang mga lyrics ay honest, raw, at walang pagpapanggap kaya
madaling maka-relate kahit sino. Simple pero may saysay. Mahusay
nilang nailalatag ang mga angas at simpleng kilig sa buhay. Dagdag pa
rito, hindi maikakaila ang tatak UP, ang impluwensya ng kulturang UP
sa lyrics at mood ng musika nila.
Ultraelectromagneticjam, 2005
Makalipas ang sampung taon nang paglagi sa UP at apat na taon
matapos i-release ang huling album ng Eraserheads (Carbon Stereoxide,
2001), nag-release ng album ng covers ng ilang E'heads hits,
performed by various artists. Niyaya along manuod ng Law blockmates
ko, may libreng album daw. Parang dati, kaso ngayon cd format na at
sa University Theater na ang concert. Ngayon, matatapos na ang formal
education ko sa UP at ang E'heads ay icon na- nagpatuloy na sa sari-
sariling gawain at binibigyang tribute ng mga kapwa musikero at mga
fans.
Hindi madaling ipaliwanag ang significance ng E'heads sa mga
tumatangkilik sa kanilang musika. Marami ang nalungkot sa pagtatapos
ng E'heads era, at higit na mas nakararami ang nagbibigay pugay at
pasasalamat sa kanila. Sabi nga ni Ebe Dancel ng Sugarfree, marami
ang umiyak nung araw ng formal announcement ng pag-disband nila.
Karamihan sa artist na nagperform sa "Ultraelectromagneticjam" ay
nagsabi na ang E'heads ay nagbigay daan para maging successful ang
ibang Pinoy bands. Naging instrumental daw ang E'heads sa pagbukas ng
kamulatan ng mga Pilipino sa panibagong tipo ng tugtugin. Dahil sa
kanila, tinanggap ng Pinoy audience ang alternative Filipino music-
orihinal at may sariling kakilanlan.
Sabi nga ni Mcoy Fundales, ng Orange and Lemons, ang E'heads
ay nagbigay inspirasyon sa isang buong henerasyon at sa sangkatutak
na mga banda. "Just keep on writing original songs," payo raw ng
Eraserheads sa Orange and Lemons nu'ng minsang nagkasabay sila sa UP
Fair. Marami pang ibang artists at banda ang nagbigay testimonya sa
legacy ng E'heads. Hindi mabibilang ang laksa-laksang taong hanggang
ngayon ay nagpapatunay na ang mga buhay nila ay hinubog at binigyang-
kulay ng E'heads. "Iyon bang tipong pwede mong kantahin habang nag-
iinuman kayo." "Ang E'heads naririnig ko kahit sa pagtulog." "Sana
may gumawa rin ng thesis ko." "They gave other artists a chance in
the Filipino music industry." Ganyan kalaganap ang music at influence
nila. Ganyan kaigting ang passion at appreciation para sa E'heads.
Para sa Eraserheads, na naging importanteng parte ng buhay sa
loob at labas ng UP, isang pasasalamat. Para sa UP, na patuloy na
humuhubog ng karakter at sining ng mga nagdaraan ditto -icon man o
hindi-isang pagdadakila.
"Naaalala n'yo pa ba, binigyan namin kayo ng ligaya."
--Ely Buendia, Para sa Masa
This article was written by Kristine Tabuada Dacuyan in her column
Moment of Clarity.

No comments:
Post a Comment